Naghatid ang Department of Health ng primary healthcare service sa Tondo, Maynila katuwang ang United States Agency for International Development (USAID) Missions.
Pinangunahan ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire at USAID Director Ryan Washburn ang aktibidad na tinawag na “Healthy at Happy sa Barangay 20: A Walkthrough in Slums of Tondo”.
Layunin nitong itaguyod ang kalusugan at kagalingan sa komunidad.
Kabilang sa mga isinagawa ang information drive kontra Tuberculosis at Mobile Van Check-up.
Nagpasalamat naman si Vergeire sa USAID at lokal na Pamahalaan ng Maynila sa pagtulong sa DOH upang isulong ang mga inisyatibo para sa kalasugan.