Susuportahan ng Office of the Press Secretary (OPS) ang mga hakbang o panukalang batas laban sa fake news.
Ayon kay OPS Undersecretary Ina Reformina, kaagapay nila ang kongreso sa layunin na sugpuin ang fake news sa bansa.
Nag-iingat anya ang OPS sa paglalabas ng mga aktibidad, programa, pahayag at impormasyon kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. upang matiyak na tama ang balitang makararating sa publiko.
Samantala, naglatag ng programa ang OPS kung saan mag-iikot ang media personalities upang magturo sa mga estudyante at komunidad sa paglaban sa fake news at pagtanggap ng mga tamang impormasyon. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla