Bibilis na ang internet speed sa bansa sa oras na maipatupad na ang National Broadband Plan (NBP).
Ito ang inaasahan ni House Speaker Martin Romualdez matapos paglaanan ng P1.5-B na pondo ang nasabing programa.
Ayon kay Romualdez, maraming lugar sa bansa ang walang internet connection, partikular sa malalayo at liblib na lugar.
Naniniwala naman ang mambabatas na isang critical social service ang internet, dahil ginagamit ito sa edukasyon, negosyo at iba pang serbisyo, tulad ng tele-medicine. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla