Narekober na ng awtoridad ang ika-walong biktima ng landslide sa isla ng Ischia sa Italy.
Batay sa datos, ang pinakahuling bangkay na nakuha ay isang 15-anyos na lalaki kabilang ang kanyang nakababatang kapatid na lalaki at babae habang apat na katao pa rin ang nawawala.
Nakuha na rin sa naturang isla ang 21-day old na sanggol.
Mababatid na nagresulta ito ng matinding sama ng panahon o malakas na pag-ulan.
Dahil na rin sa deforestation, overdevelopment at kakulangan ng mga diskarte ng awtoridad. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla