Tumaas ang kaso ng chikungunya sa bansa sa nakalipas na buwan.
Inihayag ng Department of Health (DOH), nakapagtala ng 551 na kaso ng naturang sakit kung saan mas mataas kumpara sa kaparehong panahon nuong nakaraang taon.
Ayon sa kagawaran naitala ang pagtaas ng kaso sa mga lugar na nalubog sa tubig baha dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng Severe Tropical Storm Paeng.
Dagdag ng DOH, bagama’t paraehong nakukuha sa kagat ng lamok ang dengue at ang nasabing sakit wala pa ring bakuna o gamot na nadidiskubre laban ito.
Samantala, muling namang hinikayat ng kagawaran ang publiko na panatalihing malinis ang kapaligiran upang hindi mabiktima ng naturang sakit.