Plano ng gobyerno ng Indonesia na magtayo ng daan-daang bahay para sa mga nakaligtas sa naganap na magnitude 5.6 na lindol sa West Java Province.
Ayon kay National Disaster Management and Mitigation Agency Head Suharyanto, sisimulan ng ministry of public works at public housing ang konstruksyon ng mga bahay sa dalawang ektaryan ng lupa sa susunod na linggo.
Nabatid na umabot sa 62, 628 kabahayan ang napinsala ng naturang lindol.