Dumarami na ngayon ang bilang ng mga Local Government Units (LGUs) ang nagpaparehistro sa ilalim ng Pambansang Pabahay Program ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Office of the Press Secretary (OPS) Officer-in-Charge Undersecretary Cheloy Garafil, patuloy sa pagpapakita ng suporta ang mga LGU para sa pagsasakatuparan ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng Administrasyong Marcos.
Sa datos ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), umabot na 28 munisipalidad at siyudad ang pumirma ng kasunduan kaugnay sa naturang programa.
Layunin ng programa na makapagpatayo ng mahigit 6M housing units sa buong bansa hanggang sa taong 2028.