Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na kanilang itataas ang police visibility sa buong bansa sa araw ng Pasko.
Ayon kay PNP OIC Lt. Gen. Rhodel Sermonia, paiigtingin ng kanilang ahensya ang pagbabantay sa mga lansangan pagpasok ng buwan ng Disyembre upang maiwasan ang paglala ng krimen sa bansa.
Sinabi ni Sermonia na dumadami na ngayon ang bilang ng human activities dahil nalalapit na ang araw ng pasko kung saan, kailangang maging agresibo ang mga otoridad laban sa kriminalidad.
Pinasalamatan naman ng opisyal ang publiko sa pagsuporta sa pamahalaan para sa kapayapaan at kaayusan ng bansa ngayong kapaskuhan.