Nanawagan ang isang eksperto sa publiko na panatilihin ang pagtalima sa health protocols kontra COVID-19 sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Iginiit ng epidemiologist na si Dr. John Wong na bahagyang tumaas ang mga kaso ng nasabing sakit mula nang ipatupad ang mas maluwag na face mask policy.
Bagama’t nag-plateau o nagsimula nang bumaba ang mga kaso, posible naman aniyang tumaas muli ang mga kaso dahil sa Christmas gatherings.
Kaugnay nito, hinimok ni Wong ang mga homeowners at may-ari ng mga establisyemento na magkaroon ng maayos na ventilation at dapat din aniyang mahigpit na ipatupad ng gobyerno ang indoor air quality standards.
Sinabi pa ng eksperto na dapat na sundin ng publiko ang ”Vaccination, Ventillation, Masking at Distancing” para sa maayos na pagdiriwang ng Holiday season.