Posibleng pumalo sa 7.8% ang inflation rate sa Pilipinas, na maitatala ngayong Nobyembre o sa Disyembre.
Ito ang naging pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), kasabay ng lalo pang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon sa BSP, malapit ang pagkwenta sa midpoint ng forecast range nito na nasa 7.4%, hanggang 8.2%.
Lumagpas naman ang November inflation forecast sa naitala noong Oktubre 2022 na nasa 7.7%, na pinakamataas simula December 2008.
Sa ngayon, nakatakdang magpulong sa kalagitnaan ng Disyembre ang BSP Monetary Board, upang suriin ang mga rate ng interes, huling beses na para sa taon.