Inilabas na ng Commission on Elections ang 5 malls sa Metro Manila na unang pagdarausan ng pilot test ng Register Anywhere Project (RAP) sa susunod na buwan.
Ayon kay COMELEC Spokesperson John Rex Laudiangco, kinabibilangan ito ng sm fairview sa Quezon City, SM Mall of Asia sa Pasay City, SM South Mall sa Las Piñas City, Robinsons Place Manila, at Robinsons Galleria sa Quezon City.
Magsisimula naman ang nasabing proyekto sa December 17 hanggang sa January 22 2023 na gaganapin tuwing sabado at linggo.
Bukod sa mga mall, target din ng COMELEC na isama ang opisina ng senado sa Pasay City, House of Representatives sa Quezon City, at ang Government Service Insurance System Main Office Sa Pasay City.
Gayundin, sinabi niya na pinaplano nilang isama ang Bicol at Eastern Visayas bilang karagdagang lugar para sa pilot test ng RAP.