Nangangailangan ang Canada ng nasa 1,000 Filipino nurse upang magtrabaho sa lalawigan ng Sasketchewan.
Ayon kay Sasketchewan Provincial Health Minister Paul Merriman, pinili nila ang mga Pilipino nurse dahil likas na maaruga, tapat at magaling ang mga ito.
Aabot naman sa 74,000 Canadian dollars o katumbas ng 150,000 pesos ang sahod kada buwan kabilang ang ilan pang benepisyo o katumbas ng tatlong milyong pisong sahod kada taon.
Maaari ring isama ng mga Filipino nurses ang kanilang pamilya sa canada.
Samantala, nakatakdang makipagpulong ang health ministry ng Sasketchwan sa Department of Migrant Workers (DMW) para sa isang memorandum of understanding. - sa panulat ni Hannah Oledan