Pinaigting ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang presensya nito sa Visayas at Mindanao.
Inihayag ni ARTA Director General Ernesto Perez na sinimulan na ng ahensya ang better regulations roadshow sa Iloilo City at Zamboanga City.
Layunin nitong mapabuti ang Regional Implementation ng Republic Act 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Tinatayang dalawandaang kinatawan mula pampubliko at pribadong sektor ang dumalo sa naturang aktibidad.
Ilang miyembro rin ng pribadong sektor at Non-Government Organization (NGO) ang pumirma sa Memorandum of Understanding kasama ng ARTA – Western Mindanao Regional Field Office sa Zamboanga City. – panulat ni Hannah Oledan