Inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatiling mataas ang inflation rate bunsod ng mas mataas na presyo ng kuryente, Liquefied Petroleum Gas (LPG) at agricultural commodities.
Batay sa kanilang Month-Ahead Inflation Forecast, sinabi ng BSP na ang November inflation ay inaasahang tataas at maglalaro sa 7.4 hanggang 8.2%.
Sinabi naman ng BSP na ang pagbabawas sa presyo ng petrolyo at baboy at ang pagtataas ng halaga ng piso ay maaaring makapag-pagaan ng price pressures para sa buwan ng Nobyembre.
Samantala, sinabi ng BSP na patuloy nitong binabantayan ang umuusbong na taas-presyo para pahintulutan ang napapanahong intervention na maaaring makatulong na pigilan ang higit pang pagpapalawak ng price pressures alinsunod sa mandato ng price stability nito. – sa panulat ni Hannah Oledan