Umapela ng pang-unawa sa boxing community ang anak ni boxing hall of famer referee Carlos “Sonny” Padilla, matapos ang pag-amin nitong tinulungan si dating senador manny Pacquiao na manalo kontra Nedal Hussein noong October 2000.
Nilinaw ni Tuano na maaaring nagkaroon lamang ng “misinterpretation” sa naging pahayag kamakailan ng kanyang ama.
Matanda na anya ang kanyang ama sa edad nitong otsenta’y otso anyos at sa kabila ng ilang dekadang pananatili sa estados unidos, ingles pa rin ang ikalawang lengguwaheng ginagamit nito.
Ayon kay Tuano, maaaring naiba ang pagkakaintindi ng publiko sa mga sinabi ng boxing hall of famer referee sa isinagawang interview ng World Boxing Council na ipinalabas sa youtube.
Iginiit ni Suzy na kilalanin muna ng boxing community ang mga madalas kahalubilo o kaibigan ng kanyang ama upang mabatid ang tunay nitong karakter bago husgahan.