Nakiisa ang Pilipinas sa paggunita ng World AIDS Day 2022 kahapon para ipakalat ang kaalaman tungkol sa naturang sakit at wakasan ang Human Immunodeficiency Virus (HIV).
Ayon sa pamahalaan, bahagi na ng kanilang pagpupursigi na maipaliwanag at mabawasan ang mga kaso ng impeksyon kada-taon, katulad nalang ng HIV, AIDS at ang Sexually Transmitted Infections (STI) sa tulong na rin ng mga programa ng gobyerno.
Sa datos ng World Health Organization (WHO), pumalo na sa 84.2 million ang bilang ng nahawaan, kabilang na ang 40.1 million na nasawi dahil sa naturang sakit.
Naitala rin na .7% ng kabuuang kaso ng sakit na sa edad 15 hanggang 49.
Sa ngayon, nasa 38.4 million na lang ang patuloy pa ring nakikipaglaban sa mga nabanggit na sakit.