Kung ikaw ay nakararanas ng paninikip at pakiramdam ng pamamaga ng tiyan, maaaring ito ay sanhi ng pagkakaroon ng bloated stomach.
Ang mga taong mayroong bloated stomach ay pakiramdam ay maaaring mayroong digestive issues at makaramdam ng hindi komportable hanggang sa matinding sakit.
Karaniwan itong nawawala pagkatapos ng ilang sandali, ngunit para sa ilang mga tao, ito ay isang paulit-ulit na problema.
Ilan sa mga sanhi ng bloated stomach ay:
- stress at anxiety
- constipation
- Irritable Bowel Syndrome (IBS)
- Small Intestinal Bacterial Overgrowth (SIBO)
Samantala, ilan sa mga lunas na maaaring gawin sa bahay ay:
- pagbabawas sa pagkain ng processed foods na kadalasan ay mataba at maalat
- pagbabawas o pagtigil sa paninigarilyo at madalas na pag-inom ng alak
- pagkonsumo ng mas kakaunting dami ng pagkain
- regular na pag-inom ng sapat na dami ng tubig sa buong araw —sa panulat ni Hannah Oledan