Isinusulong ng isang senador ang pagkakaroon ng mas malakas na comprehensive sexuality education sa bansa.
Ang hakbang ay ginawa ni Sen. Sherwin Gatchalian matapos mapaulat na mababa ang youth awareness ukol sa human immunodeficiency virus o HIV at acquired immunodeficiency syndrome o AIDS.
Batay sa 2021 Young Adult Fertility and Sexuality Study o YAFSS ng University of the Philippines Population Institute o UPPI, lumitaw na 76% ng mga kabataang Pinoy ang mangmang tungkol sa HIV at AIDS na mas mababa kumpara sa 95% noong 1994.
Nabatid din sa pag-aaral na mahigit kalahati o 52% ng Filipino youth ang naniniwalang nakukuha ang HIV sa pamamagitan nang pagse-share ng pagkain habang 40% naman ang nagsabing kahit ang mga mukhang malulusog na tao ay puwedeng magkaroon ng nasabing sakit.
Matatandaang naghain din ng resolusyon si Gatchalian na nagsusulong ng imbestigasyon hinggil sa pagtaas ng HIV infections at teenage pregnancies sa bansa.