Wala pa sa 50% ng mga Pilipino ang nagsabing gumanda ang kalidad ng kanilang pamumuhay, sa nakalipas na isang taon.
Ito ang lumabas sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS), na isinagawa mula September 29 hanggang November 2 na nilahukan ng 1,500 na Pilipino.
Dito tinanong kung ikukumpara ang uri ng inyong kasalukuyang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan, masasabi ba ninyo na ang uri ng inyong pamumuhay ay mas mabuti kaysa noon, kapareho ng dati, o mas masama kaysa noon?
Dahil dito, lumabas na 30% ng mga Pilipino ang nagsabing gumanda ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na isang taon, 29% ang nagsabing lumala ito at 41% ang nagsabing katulad pa rin ito ng dati.
Bahagya namang bumuti ang marka kumpara sa negative 2 gainer score noong Hunyo at Abril ngayong taon.
Gayunman, ito ay 12 puntos na mababa sa positive 18 net gainer score, noong Disyembre 2019 bago ang COVID-19 pandemic.