Inilunsad ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) o LRT-1 ang pagbabalik biyahe sa Baclaran Station matapos mahinto sa gitna pandemya na idinulot ng COVID-19.
Pinangunahan ito nina LRMC President at CEO Juan Alfonso at Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano na may temang Christmas ang naturang tren.
Ayon kay Alfonso, opisyal nang sisimulan ng LRT-1 para sa holiday season at napili ang nabanggit na tema upang maging espesyal na regalo para sa mga pasahero .
Nabatid na ginawang classical piano na may stickers decals ang mga upuan nito at nilagyan ng makukulay na larawan ng iconic classical music pieces sa bintana.
Matatandaang inanunsyo ng transportasyon na suspendido na muna ang operasyon o biyahe mula Disyembre 3 – 4.
Samantala, sinisikap ng ahensya na maging maayos at ligtas ang mga pasahero. - sa panunulat ni Jenn Patrolla