Itinaas ng bansang Ukraine ang alert level na higpitan ang seguridad sa kanilang embahada at konsulada na nasa ibang bansa.
Ito’y matapos makatanggap ng pagbabanta sa pamamagitan ng sulat kabilang ang bomba at bandalismo.
Kamakailan, nakatanggap ng package na may laman na parte ng hayop ang embahada ng Ukraine sa mga bansang Hungary, Netherlands, Poland, Croatia, Italy, Austria at ibang mga konsulada.
Magugunitang sugatan ang isang empleyado ng Ukraine Embassy sa Madrid matapos makatanggap ng mga sulat na may laman na bomba.
Kasalukuyang wala pa ring naitatalang grupo na nasa likod ng pagbabanta at pagpapadala. - sa panunulat ni Jenn Patrolla