Good news para sa mga motorista.
Posibleng magpatupad muli ng malakihang rollback ang ilang kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Batay sa abiso, posibleng maglaro sa P1.90 – P 2. 10 ang bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.
P1.70 – P2.00 sa kada litro ng diesel, at P1.30 – P1.60 sa kada litro ng kerosene.
Hindi naman matiyak ni Atty. Rino Abad, Director ng Department of Energy – Oil Industry Management Bureau, na magpapatuloy hanggang pasko o bagong taon ang rollback.
Ito ay dahil nakadepende ang desisyon sa magiging resulta ng pagpupulong ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) Plus. – sa panunulat ni Jenn Patrolla