Nakatanggap ng pamasko ngayong araw ang mahigit 600 mga bata mula kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa Malacañang.
Ginanap sa kalayaan grounds ng palasyo ang nationwide gift giving activity na may temang “Balik Sigla, Bigay Saya” na pinangunahan ng Chief Executive kabilang na ang First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos.
Sa talumpati ni Pangulong Marcos, masayang binati ng pangulo ng maligayang pasko ang mga bata dahil sa kanila aniya hindi mabubuo ang holiday season at pasko kung wala ang mga bata.
Dagdag pa niya, matagal na anya itong tradisyon sa palasyo na mayroong party, gift-giving, at palaro.
Samantala, sabay-sabay na ginanap ang pagbibigay ng regalo sa mahigit 40 mga lokasyon sa buong bansa. – sa panunulat ni Maze Aliño- Dayundayon.