Matagumpay na nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 9 na crew nito nang tumama ang motorbanca na sinasakyan ng mga ito sa isang matigas na bagay at mabutas sa karagatang sakop ng Zamboanga Del Norte.
Mula ang naturang motorbanca sa Hasiman Tanjung Jolo Sulu na patungo sana sa Dipolog City.
Kung saan batay sa imbestigasyon hindi raw napansin ng crew ang matigas na bagay dahil sa malakas na alon at masamang panahon.
Habang nakauwi naman na sa kani-kanilang tahanan ang mga nasabing nailigtas na crew na pawang mga residente ng Zamboanga City.