Plano ng Office of the Vice President (OVP) na magbukas ng Satellite office sa Bicol Region.
Ayon kay Vice President Sara Duterte, ito’y upang mailapit sa mga mamamayan ng naturang rehiyon ang mga proyekto ng OVP.
Binigyang diin ng Pangalawang Pangulo ang pangangailangan ng pamahalaan na maabot ang mas maraming Pilipino sa labas ng Luzon at Metro Manila.
Sa ngayon ay mayroong pitong satellite offices ang OVP na makikita sa Bacolod, Surigao del Sur, Cebu, Davao, Tacloban, Dagupan, at Zamboanga.
Ang Central Office naman nito ay matatagpuan sa Robinsons Cybergate Plaza sa Mandaluyong City.