Hindi inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bababa sa $90-B ang reserbang dolyar ng bansa ngayong taon at sa 2023.
Ito’y sa kabila ng aktibong pagbebenta ng US Dollar ng BSP.
Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, inaasahan nilang aabot sa mahigit $90-B ang year-end Gross International Reserves (GIR).
Dahil dito, umabot sa $94.1-B noong Oktubre mula $93-B noong Setyembre.
Batay sa pagtaya ng BSP, $105-B ang GIR para sa 2022 bago ang peso depreciation na mas mataas kumpara sa inaasahang inflation at malaking pagtaas ng interes sa US. —sa panulat ni Jenn Patrolla