Nakatanggap ng mataas na approval at trust rating sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte sa nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).
Batay sa “boses ng bayan” survey ng RPMD, lumabas na 83% ng respondents ay nasiyahan sa pagganap ng trabaho ni Pangulong Marcos sa puwesto, habang 81% naman kay VP Sara na nagsisilbi rin bilang education secretary.
Binigyan din ng mataas na trust rating ang dalawa na kapwa may 87%.
Ang satisfaction rating naman ni PBBM ang pinakamataas sa Mindanao na may 87% at pinakamababa sa Metro Manila na may 73%.
Habang ang satisfaction rating ni Duterte ay pinakamataas sa Mindanao na nasa 98%, at pinakamababa sa Luzon na may 70%.
Sa mga cabinet secretaries, nanguna sa rating si DILG secretary Benhur Abalos Jr., sinundan ni DICT Sec. Ivan John Uy; budget Sec. Amenah Pangandaman, DMW secretary Susan Ople; DOT Sec. Christina Garcia-Frasco.
DFA Sec. Enrique Manalo; DSWD Sec. Erwin Tulfo; DOTr Sec. Jaime Bautista; DTI Sec. Alfredo Pascual; at solicitor general Menardo Guevarra.