Iginiit ng Department of Education (DepEd) na hindi maaaring gamitin bilang vaccination centers ang mga paaralan sa bansa.
Ito ang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte kasabay ng pag-arangkada ngayong Lunes ng tatlong araw na ‘bakunahang bayan’ na magtatagal hanggang sa Disyembre 7.
Sa DepEd Order No. 051 series of 2022 na nilagdaan ni Duterte para sa mga mag-aaral, personnel, magulang, guardians at stakeholders, ipinaalala nito na hindi gagamiting vaccination sites ang mga paaralan at hindi magkakansela ng klase para dito.
Dahil sa kautusan, inatasan ng DepEd ang kanilang regional directors, schools division superintendents, at DepEd attached agencies na makipag-ugnayan sa DOH para sa pagbabakuna sa kanilang mga personnel.
Maaari anila itong gawin sa central office, regional offices, schools division offices, at DepEd attached agencies.