Naka-umang na sa Enero ng susunod na taon ang panibagong dagdag-singil ng MERALCO bunsod ng numinipis na supply ng kuryente.
Ito ang kinumpirma ni MERALCO spokesman Joe Zaldarriaga bunsod ng serye ng ipinatupad na yellow at red alert status ng National Grid Corporation of the Philippines ngayong buwan.
Ayon kay Zaldarriaga, kadalasang nagreresulta ang serye ng yellow at red alerts sa mas mataas na electricity costs at papasok ito sa supply month ng Disyembre at mararamdaman sa bill sa Enero.
Ang manipis anyang power supply ay naka-aapekto sa electricity rates dahil kadalasang bumibili ang power distributors ng mas mahal na kuryente sa wholesale electricity spot market.
Samantala, iimbestigahan naman ng Department of Energy ang forced outages ng ilang planta at iginiit na dapat mangontrata ang NGCP ng Power reserves upang matiyak na ang maayos na supply at maiwasan ang yellow at red alert status.