Inaasahang mailalabas na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Sim Registration Act bago matapos ang taon.
Ito ang kinumpirma ng National Telecommunications Commission (NTC) matapos ang isinagawang public hearing, kahapon.
Ayon kay NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan, masusing binalangkas ng mga miyembro ng Technical Working Group (TWG) at Public Telecommunication Entities (PTE) ang IRR.
Katuwang ng NTC sa pagbuo ng IRR ang Departments of Information and Communications Technology, Trade and Industry at National Privacy Commission.
Sa ilalim ng Republic Act 11934 o Sim Registration Law na nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos noong October 10, magiging mandatory na ang pagpaparehistro ng lahat ng mobile communication devices.
Kabilang sa layunin nito ang pigilan ang pagkalat ng mga text scam o spam text messages.