Nasa P63M halaga ng smuggled frozen goods ang nasabat ng Bureau of Customs sa ilang containers sa Manila International Container Port (MICP).
Kinumpirma ng Customs Intelligence and Investigation Service o (CIIS-MICP) na nakatanggap sila ng derogatory information hinggil sa dalawang containers mula Hong Kong at dalawang containers mula China na idineklara bilang kilu-kilong frozen prawn balls.
Ayon kay Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, naglalaman din ng iba pang frozen foods ang mga container na hindi idineklara ng consignee sa kanilang manifesto.
Sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre na kargado ang mga container ng frozen tofu, chicken paws, boneless beef, vietnamese suckling pig at beancurd skin.
Inirekomenda na ng CIIS-MICP ang pag-isyu ng Warrant of Seizure and Detention laban sa mga misdeclared goods.