Inanunsiyo ng Koalisyon ng Transport Network Vehicle Service (TNVS) Drivers at Operators na magbibigay ng libreng sakay ang ilang driver ng Grab at Joy Ride.
Ayon sa tagapagsalita ng TNVS Coalition na si Ninoy Mopas, mag-uumpisa ito sa December 16 na tatagal hanggang sa Enero a-1.
Random ang ipagkakaloob na libreng sakay at prayoridad dito ang mga senior citizen, buntis at Persons With Disabilities o PWD.
Nilinaw naman ni Mopas na boluntaryo sa mga driver ng TNVS ang pagkakaloob ng libreng sakay at isang libreng sakay lamang kada araw ang iaalok ng mga drayber.