Posibleng pumalo sa 8% ang maitatalang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa taong 2028.
Ito’y batay sa pagtaya ng National Economic and Development (NEDA) kasabay ng ginawang pagsusuri ng Development Budget Coordination Committe para sa taong 2023 hanggang 2028.
Ayon sa NEDA, nalagpasan na ng Pilipinas ang GDP sa 7.7% kumpara sa 6.5% hanggang 7.5% na target dahil sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng COVID-19 pandemic.
May posibilidad anyang umabot ito sa 6.5% hanggang 8% pagsapit ng 2024 hanggang 2028 kung maisasakatuparan ang mga estratehiya ng pamahalaan na gawing moderno ang sektor ng agrikultura at agri-business.
Samantala, inihayag ng NEDA na maitatagumpay lamang ito ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos kung mababawasan ang bilang ng mahihirap sa 9% pagsapit ng taong 2028. —sa panulat ni Jenn Patrolla