Palalakasin ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Canadian government ang Skills Development Program para sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa Canada.
Ito ang napagkasunduan sa pulong nina TESDA Director Danilo Cruz at Canadian Health Minister Paul Merriman ng Saskatchewan province para sa pagtutulungan sa Tech-Voc Training partikular sa healthcare at agriculture sectors.
Layunin ng programa na bigyan ng oportunidad ang mga Pinoy na nais magtrabaho sa nabanggit na bansa.
Patuloy namang bubuo ng mga programa ang TESDA upang magkaroon ng sapat na training. —sa panulat ni Jenn Patrolla