Naitala ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na umabot sa mahigit 156,000 na mga pasahero ang kanilang naserbisyuhan.
Ito na ang pinakamataas na bilang na mga pasahero mula noong pandemya.
Ayon sa LRTA, mas tumaas ito kumpara sa higit 139,000 na daily ridership noong October 10.
Batay sa datos, aabot sa 200,000 na mga pasahero ang sumasakay sa LRT-2 bago magpandemya.
Inaasahan naman ng pamunuan ng LRTA na taas pa ang arawang pasahero ngayong Disyembre dahil sa Christmas season.
Samantala, nagpaalala ang transportasyon sa mga pasahero na sumunod pa rin sa health protocols upang ligtas sa COVID-19. –-sa panulat ni Jenn Patrolla