Isasailalim muli sa yellow alert ang Luzon grid mamayang hapon.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magaganap ito mamayang ala-1:00 hanggang alas-4:00 ng hapon, at babalik alas-5:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi.
Dahilan ng yellow alert ang pagpinis ng suplay ng kuryente kung saan apat na planta ang nagpatupad ng force outage, habang tatlo ang pinatatakbo sa derated na kapasidad, sa kabuuang 2,145 megawatts na hindi magagamit sa grid.
Kahapon, isinailalim na sa yellow alert ang Luzon at Visayas grid dahil pa rin sa manipis na suplay ng kuryente.