Pasado na sa ikalawang pagbasa ng senado ang panukalang pagkalooban ng Filipino citizenship ang barangay Ginebra import na si Justin.
Sa ilalim ito ng House Bill 6224 o ang pagbibigay naturalization kay Brownlee.
Hinikayat naman ni Senator Francis Tolentino, may-akda ng panukala, ang mga kapwa nito senador na pabilisin ang pag-apruba sa panukala.
Sa oras na maaprubahan, makakasali na ang manlalaro sa ikaanim na window ng FIBA World Cup Asian qualifiers kung saan makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Lebanon at Jordan sa buwan ng Pebrero.