Mag-aalok ng libreng clearance ang Office of the Ombudsman para sa kanilang unang 100 aplikante.
Ihahandog ito ngayong araw at sa Biyernes, Disyembre a-9 bilang selebrasyon ng International Anti-Corruption Day.
Ayon sa Ombudsman, ililibre na nila ang bayad sa clearance na nagkakahalaga ng P150.
Maaari itong ma-avail sa mga opisina ng Ombudsman sa Quezon City, Visayas at Mindanao.