Hindi ipinagbibili o not for sale ang mga application form para sa social services ng Office of the Vice President (OVP).
Inilabas ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte ang pahayag matapos makatanggap ng ulat na may mga nanloloko at nagbebenta ng kanilang public assistance form para makapag-avail ng medical at burial assistance.
Binigyang diin ng OVP na ang mga forms ay libreng nakukuha sa central office sa lungsod ng Mandaluyong at sa kanilang mga Satellite Office.
Samantala, hanggang nitong December 2, nasa P179 Million na ang halaga ng tulong mula sa programa ng OVP ang naipamahagi sa mga nangangailangan.