Nasa 85 pulis ang matagumpay na nakapagtapos sa ilalim ng 16 days Executive Motorcycle Riding Course (EMRC) ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG).
Pinangunahan ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., ang pamamahagi ng certificate of completion sa mga pulis na bahagi ng class 03-2022 “Maragtas” at class 02-2022 “Next Gen.”
Layunin ng naturang course na mapalakas ang police mobility at maging handa ang PNP sa pagtugon sa iba’t-ibang uri ng operasyon partikular na sa pagpapatupad ng batas trapiko.
Umaasa si Azurin na magagamit ng kaniyang mga tauhan ang mga bagong kaalaman sa pagtiyak ng kaligtasan at seguridad ng publiko lalo na sa mga pangunahing kalsada.