Nakatakdang ipatupad ng Philippine Coast Guard (PCG) ang no leave policy simula December 15, 2022 na tatagal hanggang January 7, 2023
Ayon sa PCG, hindi muna papayagan ang kanilang mga tauhan na makapag-leave upang matiyak ang kaligtasan ng publiko na uuwi sa kani-kanilang probinsiya ngayong kapaskuhan.
Ito’y alinsunod sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista kung saan, magkakaroon ng deployment ng mga PCG security personnel, K9 teams, medical officers, at PCG auxiliary o PCGA volunteers na magbabantay sa mga paliparan, pantalan, istasyon ng tren, mga terminal ng bus at mga pangunahing kalsada.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Artemio Abu, naka-heightened alert na ang kanilang ahensya dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga tao ngayong holiday season.
Sa ngayon, nasa dalawamput limang libong coast guard personnel mula sa coast guard district, station, at sub-station ang nakadeploy na sa buong bansa.