Palalakasin ng Land Transportation Office (LTO) ang digitalization at paperless transaction sa lahat ng kanilang tanggapan sa bansa.
Ayon sa LTO, sa pamamagitan ng memorandum order na nilagdaan ni LTO Assistant Secretary Jose Arturo Tugade, maaari nang magamit bilang katibayan ng transaksyon ang mga official receipt o or na naka-imprenta lang sa mga bond paper.
Dahil dito, hindi na kailangang magbigay ang mga motorista ng or na nakaimprenta sa security paper o ang mga transaksyon na isinasagawa sa land transportation management system o ltms, online man o over-the-counter.
Inaabisuhan narin ng ahensya ang mga law enforcer na huwag nang obligahin ang mga mahuhuling motorista na magprisinta ng OR kung nakapagpakita na kanilang driver’s license.