Isinapinal na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11596 na nagbabawal sa child marriage sa bansa.
Pinangunahan nina DSWD Undersecretary Jerico Javier at iba pang kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno ang ceremonial signing ng IRR, sa Quezon City.
Ayon kay Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera, isa nang krimen ang pagpapakasal sa menor de edad at maaaring makulong ng 10 hanggang 12 taon ang sinumang lalabag.
Kabilang sa mga maaaring kasuhan ang mga pastor at lider ng relihiyon na magkakasal sa mga menor-de-edad.
Samantala, batay sa datos ng UNICEF, pang-12 ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng child marriage. —sa panulat ni Hannah Oledan