Inihayag ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na dapat tutukan ng pamahalaan ang underemployment rate sa bansa.
Ayon kay ECOP President Sergio Ortiz Luis matapos bahagyang bumaba ito sa 14.2 % para sa buwanng Oktubre.
Batay sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA) katumbas ito ng 6.67 million na mga kawani na nagnanais na magkaroon ng karagdagang trabaho.
Dagdag pa ni Luis na kailangan pagtuunan ng pansin ang usaping ito para mas matugunan ang mismatch sa trabaho.