Gumagawa na ng paraan ang Department of Agriculture upang ma-solusyonan ang tumataas na presyo ng pulang sibuyas sa bansa.
Ayon kay DA Spokesperson Kristine Evangelista, ilan sa tinitingnan nila ang pagbili nang direkta sa mga magsasaka simula ngayong anihan at direktang ibenta sa mga consumer sa pamamagitan ng kadiwa.
Umaasa anya ang kagawaran na makatatanggap ito ng inventory report mula sa bureau of plant and industry ngayong linggo.
Sa gitna naman ng pangamba ng publiko na magkaroon ng kakapusan sa suplay ng pulang sibuyas, tiniyak ni Evangelista na nakikita na nila ang pag-stabilize ng produkto sa susunod na buwan.
Samantala, hinimok ng opisyal ang mga mamimili na bisitahin ang kadiwa stores kung saan nagbebenta ng abot-kaya sa bulsang agri-products.