Inilunsad sa Quezon City ang Community-Led Monitoring (CLM) system na “Com.Musta HIV Community Kumustahan” para sa mga Persons Living with Human Immunodeficiency Virus (PLHIVS).
Sa ilalim ng naturang CLM, maaaring sumagot ng survey tungkol sa kalidad ng serbisyo, stigma at diskriminasyon, patakaran, at finance sa pamamagitan ng website nito na https://commusta.ph/.
Sa pamamagitan nito ay mamo-monitor din ang mga serbisyong nakukuha ng mga PLHIV, kabilang na rin ang mga serbisyong dapat nilang matanggap.
Makokolekta rin ng naturang monitoring system ang mga kinakailangang datos para sa pagpapabuti ng mga prgrama para sa mga HIV-patient.
Nagpahayag naman ng suporta si Quezon City Mayor Joy Belmonte kasama sina Department of Health (DOH) Usec. Dr. Maria Francia Laxamana at USAID Philippines Mission Director Ryan Washburn. - sa panulat ni Hannah Oledan