Alam niyo ba na hindi lang masarap ang dark chocolate, marami ring makukuhang benepisyo mula sa pagkain nito.
Ang dark chocolate siksik sa Antioxidants tulad ng Polyphenol, Flavanol at Catechin na nakatutulong upang mapigilan ang pagkakaroon ng Cancer.
Pinabibilis din nito ang daloy ng dugo sa katawan dahil pinasisigla nito ang ating mga ugat.
Pinapababa rin nito ang kolesterol sa katawan at kalaunan ay pinapababa rin ang tyansang magkaroon ng cardiovascular disease.
Mabisa rin itong pampagana ng utak dahil sa Flavanol na taglay nito. ang Kakaw o Cocoa na pangunahing sangkap ng tsokolate ay naglalaman ng mga stimulant tulad ng caffeine at Theobromine na nakapagpapabuti ng pag-andar ng utak. —sa panulat ni Hannah Oledan