Naglabas ng P189.37 milyon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bilang medical assistance para sa 24,545 beneficiaries sa iba’t ibang panig ng bansa.
Batay sa pinakahuling datos, binanggit ng state lottery agency na ang pondo ay naipamahagi na sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng Medical Access Program o MAP ng ahensya.
Nasa 3,116 indigents ang nabigyan ng tulong sa National Capital Region, 5,640 sa Northern at Central Luzon at 6,318 naman sa Southern Tagalog at Bicol Region.
Ang MAP ay dinisenyo upang mabigyan ng medical assistance ang mga mahihirap na Pinoy, partikular ang mga nasa hospital confinement, chemotherapy, dialysis at post-transplant.