Ganap ng bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng bansa.
Tinawag itong bagyong rosal na panglabing-walong sama ng panahon na pumasok sa Pilipinas.
Kaninang alas-8 ng umaga pumasok ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility, na huling namataan sa layong 110 kilometers Hilaga Hilagang-Silangan ng Virac, Catanduanes o 315 kilometers Silangan ng Infanta, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 55 kilometers per hour na kumikilos sa pahilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Dahil sa bagyo, nakataas na ang signal number 1 sa tatlong lugar sa bansa kabilang ang; Catanduanes, Eastern portion ng Camarines Sur at Eastern portion ng Albay.
Dahil dito, asahan na ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa mga nasabing lugar.
Sa susunod na 12 oras, inaasahang babagal ang bagyong Rosal bago magtungo sa pahilaga Hilagang-Kanluran, at lumakas bilang tropical storm sa susunod na 24 oras.