Hindi komporme si Senador Cynthia Villar na ibenta ang mga mamahaling alahas ni dating First Lady Imelda Marcos.
Sinabi ni Villar na sa halip na ibenta, mas makabubuting ilagay na lamang muna ang mga ito sa museum.
Paliwanag ng senador, hindi naman na-account ng pamahalaan kung saan napunta ang pera tuwing may maibebenta na siniquester ng pamahalaan.
Inihalimbawa ni Villar ang mga alahas ng pamilya Marcos na naibenta na noon at ibinigay sa Department of Agrarian Reform, subalit hanggang sa ngayon ay hindi klaro kung saan napunta at sino ang nakinabang sa pera.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)